Nasan na ba ang pagbabago? San? Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan Ngayon nakakakita na Kayo na nga tong pumapapel Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa Bahala na kayo sa buhay niyo Basta wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Ilang dekada na ba, nakapagtataka na Wala paring pagbabago ng pagkatagal na Imbis na mataranta, aba nagbabalak pa Pagtakpan ang matagal ng halatang halata
Palakihan ng lote paramihan ng kotse Para di mangamote, bayanihan ng konte Matapobre, talagang plastikan ang forte Natutulog sa pansitan na sandigan ng korte
Sakit, ng lipunan kayo ang ebidensya Sakit, oo pero ngayon ay epidemya At sa Pilipinas ang mga elektibo Nagpapaka bibo at hindi epektibo Puro salita pero ni wala man lang pruweba Magpapaka-propeta para walang protesta Sa nakaraang problema ano ba ang solusyon Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon
Chorus: Nasan na ba ang pagbabago? San? Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan Ngayon nakakakita na Kayo na nga tong pumapapel Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa Bahala na kayo sa buhay niyo Basta wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Walang nakaisip ng nasa palagid Mabaho, madumi at kadalasan mainit Tambakan ng basura kahit na saang gilid Nag trapik parang bang kada kalsada makitid
Laganap na kotongan, sus Maria! Mga driver tingin sa kanilang bus tamiya Bayarang kababaihan para boobs makita Ganyan talaga resulta pag kapos ang kita
Kapag umulan wag susubukang bumiyahe Madalas ang pagbaha may lumulutang na tae Sandamukal na problema pupuhunan daw sabi Tutulungan, tutulugan, tututukan kunyari
Ngayon sabihin niyo kung nasan diyan ang pagbabago Baka nakasalamin ako pagkataas ng grado Kasalakuyang problema ano ba ang solusyon? Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang Ilusyon
Chorus: Nasan na ba ang pagbabago? San? Wala parin pala kaming mga bulag sa katotohanan Ngayon nakakakita na Kayo na nga tong pumapapel Pati ba naman ngayon nakikipag plastikan pa Bahala na kayo sa buhay niyo Basta wag niyo kong gagawing tanga (wag niyo kong gagawing tanga)
Marami pang mga kababayang habang buhay na pagod Pagkat hanap ng hanap ng hanapbuhay sa abroad Iiwan ang pamilya para ang tagumpay ay maabot Nakakumay ang sagot kaya ako ay nayamot
Di kayo makapagbigay ng mga trabaho Kaya di dapat kinailangan na mangako San na ang pagbabago Taray naman, imbis na magbagong buhay, bagong bahay na lang
Habang marami nagugutom at walang matirhan At abot kaya na gamot wala man lang mabilhan Edukasyon sa lahat di magawang pagbigyan Kayo ang boses ng Taong di nyo kayang pakinggan
Magandang kinabukasan na orasan ko yon Di ba dapat ngayon ang kinabukan noon? Kinabukasan ng problema ano ang solusyon? Kung ang lahat ng nakikita ko ay isang ilusyon?