Ikaw ang lagi kong hinahanap Kasama kang lagi sa pangarap Nais ko'y lagi kang nakikita Marahil nga ay mahal kita. Liwanag ng buwan sa kalawakan Hinahatid ka sa'king isipan Paano ba kita makakausap? Ikaw sa akin ang lahat Sana bawat saglit laging kapiling ka Pag-ibig ko sana'y madama Basta't kasama kita sa pangarap Nadarama'y wala ngang katulad Ligayang dulot nito sa aking puso Sana ay di na magwakas Sana ay di na magwakas