SHINE PILIPINAS LYRICS Source: ABS-CBN’s Youtube channel
(Verse 1) (LIZA) Saan man galing ang ihip ng hangin Mapuwing man ako ng buhangin Ang ngiting ito’y may munting pag-amin: Maliwanag pa sa araw Ang liwanag ko’y ikaw
(Verse 2) (ENRIQUE) Ang mabihag ng iyong mga bisig Tanging kaligayahan ko’t hilig Handang mag-alay sa ngalan ng pag-ibig Wala nang mas malinaw Ang liwanag ko’y ikaw
(Pre-Chorus) (BOTH) Kaya’t huwag nang ipagkait ang bulong ko sa langit: Ang tayo’y maglayag, lumipad kahit saglit
(Chorus) (BOTH) Ikaw ang ilaw sa’n ka man dalhin Hindi na tayo matatakot sa dilim Dahil iba ang dala ng pagibig mo Liwanag sa buong mundo SHINE PILIPINAS SHINE 4X (BOTH)
(Verse 3) (BOTH) Tunawin man ng init ng panahon Ang puso kong hangad lang ay ambon Di susuko; ano man ang hamon Sa dilim, lumilitaw Ang liwanag ko’y ikaw
CHORUS
BRIDGE: (LIZA) Sa bawat kilos mo’t galaw Damdamin mo’y sumisigaw Ang ganda mo’y sumasayaw Buong mundo’y nasisilaw
Rap: (ENRIQUE) 7107 islands with a touch of heaven Beautiful faces, beautiful culture beautiful races, beautiful places Mountains, beaches to the shore, we got more yeah that’s for sure!! People, fiestas fun together Everyday is summer, you’ll love the weather Kahit ano, we got it all Sa lupang sinilangan ako’y natutong maglakad Pangarap ko’y nakasakay sa hanging lumlipad Sa’n mo man ako dalhin ako’y patuloy babalik Kagaya ng tubig sa lupa’y hahalik Nadadaan ang lahat sa sipag at dasal, May dalang liwanag ang pagmamahal
- See more at: http://www.randomrepublika.com/2015/04/enrigue-gil-and-liza-soberanos-shine-pilipinas-recording-mv/#sthash.7GF4Vo5s.dpuf