Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay? Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay Pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay na makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?
Ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang Puro isip bata at yan ang patunay na magulang ang makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?
Ako si Abra, kadabra, handa ka na ba pre? Wala akong paki kung hindi, wag kang maarte Makinig ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis Sobrang bukambibig na parang presyo ng langis Ang sadistang rapista artista na boy Kaya hasta la vista sa rap na baduy Istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy Walang kawala na para bang nasalanta ng Ondoy
Ako ang nabuwang na mukhang mabait Maluwang ang damit at lubhang masakit Ang mga salita ko pangdalubhasang galit Eh yung sayo naman parang nagmula lang sa pwet “Walang class” Talaga? “Ang baduy” Mas desente ka? Kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka Mahulog sa hagdanan, malunod at makuryente ka Tagalog o Ingles sakin magkakaleche leche ka!
Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra) At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)
Hindi ko kayang kumuha ng kuneho saking sumbrero pero Kaya kong kumain ng ispada na merong yero Hindi ito stirero, ako paminsan ay umuupo sa dingding o kaya tulog sa kisame “Idol, naniniwala po ako na totoo” Problema ng Pinas marami nang mga uto-uto, punong-puno! Kung kaya’t dugo ko at kumukulo Oh Diyos ko po! Alam ko na hindi mo rin ginusto to
Kaya biyaya mong handog, gagamitin ko At kahit may pagkahambog, sasabihin ko Na ako mismo humahanga din sa lyrics ko Minsan nakikipag apir ako sa sarili ko (high five!) Imposible parang nagka-utang sa pulis Nakakapagpabagabag na parang kubang nabuntis Nakakamangha talaga ang aking mga salamangka na nagpasok kay Aladdin at Genie sa isang lampara
Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra) At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)
Kung sakali lang na di mo maintindihan Baka masyado nang makitid at barado na ng litid ang iyong kaisipan Kung di mo trip ang mga hirit na nanggaling saking isip wag mong pakikinggan At basta wag mo lang idamay ang ama at ang ina mo sa iyong kapintasan
Baluktot na ang industriya at para ating maituwid Itigil na ang SpongeKumag, FemHale, at CueShet! Mga bandang nakapalda banda rito banda roon At mga kritikong di naman talaga matalino, bat ganon?
Bat Girl (Pweh) Nakakasilaw, ang galing daw Di marunong kumanta pero sikat parin, wow Di marunong sumayaw at ang mas masaklap Di marunong mag-rap parang de ap na may mansanas sa harap
Ako ang tinagurian na isa sa mga pinakamalupit Ang makatang hibang na binabalak ulit Na muling ibalik ang tinaga at punit Na karangalan ng aming larangang inakalang nasa ataul Hip-hop, mahal kita kaya kita ipinagtatanggol
Ang musika parang babaeng napusuan ko Kaakit-akit kung makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko At aking nilabas ang kanta kahit may butas to Para makabunga ng mas marami pang katulad ko