Sa bawat buhay ng tao’y merong pag ibig na nakahimlay At ang tanging dapat mo lang gawin sa akin sumabay, Halika na’t gisingin natin ang tulog mo’ng diwa Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa, Sa pag kakataong ito hari aking opinyon Layunin ko’y mag kaisa lahat ng relihiyon, Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin, Nang Diyos, ano mang oras handa man o hindi Madadaig mo ba si Kristo sa kanyang pagtitimpi?, Habang pasan ang Krus at ipinakong walang laban Mahal ka ng Diyos hindi mo lang to nalalaman, Minsan sa ating buhay merong suliranin At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin, Basta’t mahalaga merong isang pag ibig Umaasang may gabay na nandiyan lang sating paligid, Dahil tayo’y may Chorus: Sang buhay na may pag ibig Yan ang kaylangan ko, Kaylangan mo, at nang buong mundo 2nd verse: Ako’y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama At inasa ang lahat saking nag iisang ina, Ang mayakap siya’t pasalamatan gusto ko pa sana Nang hindi hinahangad saki’y nakalaang pamana, Ngunit ako ay naligaw kayhaba na ng sungay Sa tuwing kakausapin niya ko mata ko’y mapungay, Pinili kong daan iba sa karaniwang bata Impyernong itinuring, nas matindi pa ata, Ang mapayapa at pangakong paraiso Ay di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso, Limutin na lang ano man ang maibigan Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan, Masaklap man ang inabot ko katulad ba sayo Istorya ko’t maging sayo’y hindi naman nagkalayo, Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan Tuloy parin ang luha ilang beses mang punasan, Dahil meron kang (Repeat chorus: 3rd verse: Dumalaw sa mga kaybigan para matulungan Sila na maibsan ang kalungkutan sa kulungan, Yan ang aking gawain dati kung alam niyo Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo, Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso, At isang pilas ng papel na nilamukos Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos, At bakit ganun pag sinabing Muslim ay matapang Pag sinabing taga Capiz mangkukulam mambabarang, Pag sinabing Waray walang awa kung pumatay At pag sinabing pilipino alipin habang buhay, Ako ay pilipino isa rin sa kinakapos Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang Diyos, Siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita At inakay ka sa may liwanag kahit di mo siya nakita (Repeat chorus)