Bayan Ko Ang bayan kong Pilipinas, Lupain ng ginto't bulaklak. Pag-ibig ang sa kaniyang palad Nag-alay ng ganda't dilag. At sa kaniyang yumi at ganda, Dayuhan ay nahalina. Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa dusa.
Припев: Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak! Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang 'di magnasang makaalpas! Pilipinas kong minumutya, Pugad ng luha ko't dalita, Aking adhika, Makita kang sakdal laya!