Kamusta? Bakit tila dumatal ang kaba? Ano ba ang agam-agam na bumabagabag? Ang dinadamdam nila'y mahirap ipinta, Bakit pa ba ako nagtataka?
Ako ba'ng may kasalanan kung bakit naiwan sila? Ako nga itong nagpaparaya para sa adhikaing walang patutunguhan- O, kay saklap! Pa'no ba tayo magkakaisa?
CHORUS Sinabihan na kitang tumakbo papalayo sa mundong Nakaka-pagpa-baga-bag! Pinilit kong sagipin ang mga naliligaw sa dilim Nakaka-pagpa-baga-bag!
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha \" Ngunit mahal pa rin kita :'( \" Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita? Nakaka-pagpa-baga-bag!
STANZA2 Mas sanay na akong maglakad ng nakapiring ang aking mata Habang buhay ko nang pinagsisisihan na iniwan ang tanging sidha sa puso Naglahong parang usok 'Di na maibabalik pa
Parang sa panaginip ko lang masisilayan ang mukha nila \"Parang awa mo na hindi na mauulit ang panganib!\" Masarap makinig sa inyong mga paghihinagpis Na tila ubod ng tamis~
CHORUS Sinabihan ko silang bilisan ang pagtakbo sa mundong Nakaka-pagpa-baga-bag! Di sila nakikinig ngunit ngayo'y nagmamakaawa~ Nagpapatawa ba sila?
Naniwala pa ako sa sinungaling n'yong mga mata \"Ngunit kami'y mali rin ba?\" Sino nga lang ba ako para iligtas ang inyong diwa? Nakaka-pagpa-baga-bag!
CHORUS END Bakit ba ako nababahala sa mundong ito? Nakaka-pagpa-baga-bag ba? Pinilit kong sagipin ngunit sila'y nasakop na ng dilim Nakaka-pagpa-baga-bag!
Naniwala pa ako sa sinungaling mong mga luha \" Ngunit huli na ang lahat! \" Kasalanan ko pa ba na di mo na ako makikita? Nakaka-pagpa-baga-bag!