Nawawala na ang sigla ng iyong mga mata sa tuwing ako ay iyong tinitignan haplos mo’y lumalamig, di ka na nasasabik ito ba’y tanda na ng pamamaalam
Pipigilan ba kita o hahayaan habang nawawala na ng dahan-dahan
Sabihin mo naman ako ang iyong mahal at hindi pag-ibig nya, ang hinintay ng kay tagal sabihin mo naman ako ang iyong mahal ito ang hinihiling tanging dinarasal sabihin mo naman
Alam kong may hihigit sa akin at darating sya ng hindi mapapansin ngunit ako ang syang nagmamahal sayo sya ba ang pipiliin o ako
Sabihin mo naman ako ang iyong mahal at hindi pag-ibig nya, ang hinintay ng kay tagal sabihin mo naman ako ang iyong mahal ito ang hinihiling tanging dinarasal
Masasabi ko sayo na kakayanin ngunit hindi ito ang tunay na damdamin
Sabihin mo naman ako ang iyong mahal at hindi pag-ibig nya, ang hinintay ng kay tagal sabihin mo naman ako ang iyong mahal ito ang hinihiling tanging dinarasal
Sabihin mo naman sabihin mo naman sabihin mo naman