Гуру Песен Популярное
А Б В Г Д Е Ж З И К Л М Н О П Р С Т У Ф Х Ц Ч Ш Э Ю Я
# A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Mike Kosa Feat. Ayeeman - Mahal Kong Kultura | Текст песни

Mahal Kong Kultura – Mike Kosa

eto ang klase ng musika
na aking nang pinagmulan
mga konsepto kong naisip dito ko
sinimulan mga hangarin ko nung bata
na maging makata na bumuo ng mga
awitin gamit ang mga talata na naitala
sa aking mga sulat kamay mga pangarap
na akala koy hindi ibibigay kahit pagod na naghintay
ay umaasang darating na balang araw ang awitin koy
kakantahin nyo rin at laging bukambibig ng mga tambay
sa lansangan ang pangalan nagmarka na dito sa ating larangan
at iyong sasambitin na meron pang huling alas na magtataas
ng antas ng hiphop sa pinas
chorus
mahalaga saakin ang pinagmulan
hindi sumagi sa sisipan ko “hangang dyan nalang”
ang tinig kong lumilipad subukan nyong pakinggan
simpleng sandata na ginamit ko nang masimulan
mahal kong kultura itataas ko ako ang tala sa daan
magiging kawal dito sa ating kultura mandirigmang
sumisigaw sa kagubatan ay humihiyaw

verse II
anu kung tagalog ang ginamit ko at hindi ingles
masasabihan mo bang ang awit koy hindi mabangis ?
kahit kabisado mo ng mangalinya ko’t sinasabayan
dahil angkop lang sa panlasa’t di mababaduyan
pinagdaanan ang ibat’ ibang klase ng laro
limang taong naglakbay upang aking matamo ang
pangarap na maging sikat at makilala ng lahat
sa pamamagitan ng mga awit at kumita ng sapat
sa pagkanta sa entablado sa harapan ng mga tao
binubuksan ang mga diwang magmula sa pagkasarado
sa kanta na nakakasado na aking binagsak apg narinig mo
ewan ko lang kung di ka pumalakpak

repeat chorus

mga pangarap na itinanim ko ngayon umani
ng respeto na hindi ko na mabilang sa pagdami
at pagkalat ng mga kanta na aking naisinulat naging
isa sa instrumento upang aking maipamulat na ang
musikang rap ay hindi basta libangan itinuturing na
trabaho na pwedeng pagkakitaan ang mga salitang yan
ay handa ko ng isalin upang sumagi sa mga isip imbis na
babuyin ay pagyamanin ang tugtugan na kinamulatan
natin nuoon itinama ko mga mali ngayon sa aking panahon
ito ang tamang pagkakataon upang aking msabi na ang kulturang
to ay makikilala ng marami na magiging pundasyon at inspirasyon
sa mga makatang susunod sa ating henerasyon magsisilbing
atensyon upang gisingin ang lahat na ang kulturang to ay sabay sabay
nating iangat

repeat chorus

Mike Kosa Feat. Ayeeman еще тексты


Видео
Нет видео
-
Оценка текста
Статистика страницы на pesni.guru ▼
Просмотров сегодня: 1