Bakit kaya nangangamba Sa tuwing ika'y nakikita Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga Aklat kong dala'y pinulot mo pa 'Di ka pa rin nagpakilala
REFRAIN Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin
Bakit kaya umiiwas Binti ko ba'y mayroong gasgas Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko Munting puwang laan sa 'yo Maaari na bang magpakilala
REFRAIN Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin
CHORUS Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin
AD LIB
Dito'y mayroon sa puso ko Munting puwang laan sa 'yo Maaari na bang magpakilala
REFRAIN Bawat araw sinusundan 'Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin
CHORUS Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin