Verse 1: Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat Naalala ko pa non nag aagawan ng nintendo Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento.
Lagi lagi ka sa amin dumidiretso pag uwi Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili Umaawit ng theme song na sabay kinabisa Kay sarap namang mabalikan ang alaala..
Ikaw ang kasama buhat noon Ikaw ang pangarap hanggang ngayon.. Hanggang ngayon . . .
Chorus: Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng Dararatda dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin ng
Verse 2: Dati-rati ay palaging sabay na mag-siesta At sabay ring gigising ng alas kwatro imediya Sabay manonood ng paboritong programa O kay tamis namang mabalikan ng alaala..
Chorus: Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng Dararatda dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin ng
[Quest] Dati-rati ay naglalaro pa ng bahay bahayan Gamit gamit ang mantel na tinatali sa kawayan At pawang magkakalaban pag nagtataya tayaan Pero sing tamis ng kendi pag nagkakasal kasalan
Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala Lalu na’t kung magkayakap mga bata’t magkasama at
Bridge: Parang Hulyo’t Hulya lagi tayong magkasama (Hindi mapaghiwalay) Sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah (Hindi pwede yan) Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga (Yan ang pag-ibig) Sana mabalik pa natin dati nating pagsasama
Chorus: Di ba’t ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari Ako yung prinsesang sagip mo palagi Ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari Ang aking pagtingin, o ibulong na lang sa hangin (Ibulong nalang) Pangarap na lang din na gaya pa rin ng Dararatda dati Dararatda dati Dararatda dati
Coda: Na gaya pa rin Dararatda dati Dararatda dati Dararatda dati Na gaya pa rin ng.. Ng dati..