Tatakbo at gagalaw Mag-iisip kung dapat bang bumitaw Kulang na lang, atakihin Ang paghinga'y nabibitin
Ang dahilan, alam mo na Kahit ano pang sabihin nila Tayong dalawa lamang ang makakaalam Ngunit ako ngayo'y naguguluhan
Makikinig ba ako Sa aking isip na dati pa namang magulo? O iindak na lamang Sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang bang Hindi mo aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at mag-sasayaw Habang nanonood siya...
Paalis at pabalik May baong yakap at sukli 'yan na halik Magpapaalam at mag-sisisi Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi
Tayong dalawa lamang ang nakakaalam Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig niya na totoo
Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo At aasahan kong hindi mo lamang aapakan ang aking mga paa Pipikit na lamang at mag-sasayaw Habang nalulungkot ka Pipikit na lamang at magsasaya Habang nalulungkot ka
Ako'y Litong-lito Tulungan niyo ako Di ko na alam Kung sino pang aking pagbibigyan o