Sa hindi inaaasahan Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong, Damang dama na ang ugong nito Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding hindi ko ipararanas sayo Ibinubunyag ka ng iyong mata Sumisigaw ng pag-sinta
Ba't di pa patulan Ang pagsuyong nagkulang Tayong umaasang Hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan At bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sayo
(Instrumental)
Saan nga ba patungo Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't di pa sabihin Ang hindi mo maamin Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin Wag mong ikatakot Ang bulong ng damdamin mo Naririto ako at nakikinig sayo
Hooohh hoooohh Hooohh hoooohh Hooohh hoooohh
Ba't di salubungin ang puso ko at kunin Ang diwang malaya, 'wag nawang magpabaya pa Ikaw ang pag-ibig, pakinggan ang himig ko Wala na sanang lalayo Mundong ito ay hihinto. hoooh